Hindi Fishball, Ice-Cream, Balut o Tokneneng , kung
hindi mga libro ang nilalako ng isang grupo ng mga Libraryan bilang isa sa mga proyekto
ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas
Ang proyektong “Brigada Pagbasa” ay naglalayong mag bigay
ng panandaliang pahinga sa matinding epekto ng teknolohiya sa ating mga mata.
Nagsisilbi rin itong inspirasyon sa mga bata at matatandang nasa kalsada ng
Maynila sa pamamagitan ng pagpapamalas ng maikling programa sa pangunguna ni
Ms. Melanie Ramires , Children’s Section Libraryan at ibang mga libraryan na
galing sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.
Hindi naging madali ang pagsulong ng proyektong ito dahil
sa mausok, matinding-init at minsang pagbuhos ng ulan sa mga lugar kung saan
ginaganap ang mga programang katulad ng Pagkukuwento, Sabayang Pagbasa, Pagsasadula,
Papets, Paglikha ng larawan at
Pagkukulay.
Naging malaking inspirasyon ng programang ito ang istorya ng tinaguriang
bayani ng henerasyon sa larangan ng Edukasyon, “2009 CNN Hero of the Year,
Efren Penaflorida”. Tumatak ang istorya ni Efren na nakaranas ng hindi sapat na
atensyon sa Edukasyon at pagmamalupit sa kamay ng masasamang grupong
pinakisamahan niya noon. Gusto man niyang gumanti sa parehas na paraan ay hindi
ito nagpatalo sa galit at binaliktad ang sitwasyong kinalalagyan niya.
Ang naranasang pait ng kahapon ang nagbigay sa kanya
ng lakas upang makatulong sa mga batang pinagkaitan ng
edukasyon at pinagmalupitan ng lipunan. Ang magbigay ng libreng Edukasyon sa
Kalye sa mga bata at matatanda. Walang kinikitang ni-iisang sentimo ang pagtulong na yon’
ang ginawa ni Efren ngunit sa kabila ng lahat ito ang naging pambayad niya na
utang na loob sa mga tumulong sa kanya at pagsusumikap niyang makatapos.
References:
Mga Kuhang Larawan na Galing sa Social Media, ito
ang link: https://www.facebook.com/melanie.a.ramirez.7
A CNN hero started with a
pushcart full of hopes: https://www.gmanetwork.com/news/news/specialreports/174047/a-cnn-hero-started-with-a-pushcart-full-of-hopes/story/